Saturday, April 21, 2012

Para Kay B

at 4/21/2012 12:42:00 AM
Na-inlove ka na ba? Naging masaya ka ba o na-devastate?

Ang paniniwala ni Lucas ay 4 out of 5 ang nade-devastate ng pag-ibig. Ang opinyon naman ng mga karakter niya ay dinamay lang ni Lucas ang mga karakter niya dahil broken-hearted siya.

Naniniwala din ako na 4 out of 5 sa mga kwento dito ay totoo, tulad ng mga tomboy, ambisyosa o kahit pa ng maling pag-ibig. Bilib din ako sa imahinasyon ni Ricky Lee para maisip na merong manhid na lugar sa mundo na parati mo'ng matatagpuan basta't paikutin mo lang ang globe.

Naniniwala ako na ang librong ito ang magbibigay pag-asa sa isang broken-hearted, inspirasyon sa hindi pa nai-inlove, at para magpaka-totoo ang mga nagtatago ng kanilang totoo'ng pagkatao.

Sa huli, hindi lang kuwento nila Jordan o Sarah ang laman ng nobelang ito kundi pati kuwento ni Lucas na siyang "sumulat" ng istoryang ito. At oo, kuwento mo rin at kuwento ko.
   

0 comments:

Post a Comment

 

life of a bibliophile Copyright © 2010 Designed by Ipietoon Blogger Template Sponsored by Online Shop Vector by Artshare