Its Heart's Day today and I want to post a review about a love story as a celebration for this romantic day, but I realized that I do not have a love story review in the waiting. I searched and searched until I decided to do this one instead. This one is a love story in its own rights, anyway.
So here it goes...
Naniniwala ka ba sa mga aswang at tikbalang? Eh sa mga manananggal? Eh pa'no kung manananggal na bakla?
Sa bagong nobela ni Ricky Lee, matutuwa ka sa thought na puwede nga pala'ng magkaroon ng mag-syotang manananggal, teacher na hati, at baklang lumilipad. In short, it's a manananggals' world. At ang mas nakakaloka, may multiple personality pa ang bakla! Oh, sa'n ka pa?! Pero hindi lang 'yon. Ang haba pa ng hair nitong baklang ito dahil may papa na totoong na-inlove sa kaniya. Pati ang anak ng papa, mahal ang hitad!
Pero, paano kung sa gitna ng problemang may multiple personality, manananggal na at... may misyon pa?! Akalain mo bang hinangad niya at (mas shocking) itinakda siyang maging tagapagligtas ng Pilipinas? Carry niyo 'yon?!
First two pages pa lang tawa na ako ng tawa. Hindi siya advisable na dalhin at basahin sa pampublikong lugar dahil tatawa ka talaga at 'di mo mapipigilan. Pero siyempre may aspetong pamilya rin ito kaya 'di mawawala ang konting luha at lungkot. Pero mostly you will laugh your ass off.
Magaling talaga si Ricky Lee. Sobrang hanga ako sa kaniya at lalo ko siyang nagustuhan dahil kay "Ate Amy". Tingin ko mas mabilis basahin itong Si Amapola sa 65 na Kabanata kumpara sa Para Kay B. Mas straight to the point at iba sa medyo maligoy na Para Kay B. Mas politikal para sa akin ang Para Kay B. Ang Amapola ay may aspetong politikal rin pero sinulat ito sa paraan'g well-incorporated sa istorya.
Maganda ang librong ito. Cover pa lang hahanga ka na. At matutuwa ka sa mapa ng Tomas Morato sa back cover (cute ng "handwriting"). At ang mas nakakatuwa ay naisipan pa nila maglagay ng bookmark sa libro.
Over-all, joy read ito (redundant na, alam ko). Pero ngayon pa lang sinasabi ko na hindi happy ang ending nito, tulad din ng sa totoong buhay. Salamin din ito ng totoong buhay, tulad ng sinabi ni Amapola na sa huli babae pa rin ang hahanapin ni Homer.
"Mahusay siya (Zaldy). Kumikita siya. Iniipon niya para kay Amapola dahil bulagsak ito sa pera."
0 comments:
Post a Comment